top of page
Search

Ipagdiwang ang Katapangan ng mga Mamamayan ng Kordilyera! Tutulan ang mga Atake sa mga Katutubo!

  • Writer: Panaghiusa Philippine Network
    Panaghiusa Philippine Network
  • 1 day ago
  • 3 min read

Si Joanna Cariño (nakasuot ng itim), miyembro ng Advisory Council ng Cordillera Peoples Alliance, habang sumasali sa community dance sa ika-41 Araw ng Kordilyera. Larawan mula sa Kabataan para sa Tribung Pilipino.
Si Joanna Cariño (nakasuot ng itim), miyembro ng Advisory Council ng Cordillera Peoples Alliance, habang sumasali sa community dance sa ika-41 Araw ng Kordilyera. Larawan mula sa Kabataan para sa Tribung Pilipino.

Sa makasaysayang pagdiriwang ng ika-41 Araw ng Kordilyera noong Abril 24, 2025, ang Panaghiusa Philippine Network to Uphold Indigenous Peoples’ Rights ay nagpapaabot ng pakikiisa sa mga mamamayan ng rehiyon at sa lahat ng Katutubong pamayanan sa kanilang matapang na pakikibaka para sa lupa, buhay, at likas na yaman. 


Ang tema ngayong taon, "Igigiit ang Ating Karapatan! Magpatuloy sa Pakikibaka para sa Sariling Pagpapasya! Isulong ang Pulitika ng Pagbabago!,” ay nagpapatibay sa pagsusuri ng Cordillera Peoples Alliance (CPA) na isinumite sa dating United Nations (UN) Special Rapporteur on the Rights of Indigenous Peoples, Francisco Cali Tzay, noong 2024. Ipinapakita rin nito ang matatag na determinasyon ng mga Katutubo na ipagtanggol ang kanilang mga lupang ninuno, igalang ang kanilang karapatan sa sariling pagpapasya, at labanan ang pang-aapi.


Noong Hulyo 2024, mahigit 80 kinatawan mula sa iba't ibang Katutubong pamayanan at organisasyon ang nagtipon para sa isang National Academic Forum. Binigyang-diin ng Cordillera Peoples Alliance (CPA) na ang Upper Tabuk Hydropower Project pati na rin ang apat na hydroelectric plant sa Saltan River at mga sangay nito, ay may ilang isyu, kabilang ang paglabag sa Free, Prior, and Informed Consent, ang pagsasantabi sa mga apektadong Katutubo sa proseso, at kakulangan ng kumpletong impormasyon ukol sa mga proyekto. Bukod pa rito, bumisita rin si dating UN Special Rapporteur Tzay sa mga Katutubong komunidad malapit sa Chico Dam sa Kalinga.



Noong Hulyo 2024, mahigit 80 kinatawan mula sa iba't ibang Katutubong pamayanan at organisasyon ang nagtipon para sa isang National Academic Forum. Binigyang-diin ng Cordillera Peoples Alliance (CPA) na ang Upper Tabuk Hydropower Project pati na rin ang apat na hydroelectric plant sa Saltan River at mga sangay nito, ay may ilang isyu, kabilang ang paglabag sa Free, Prior, and Informed Consent, ang pagsasantabi sa mga apektadong Katutubo sa proseso, at kakulangan ng kumpletong impormasyon ukol sa mga proyekto.


Ilang buwan matapos ang forum kasama si dating United Nations (UN) Special Rapporteur on the Rights of Indigenous Peoples Francisco Cali Tzay at si UN Working Group on Business and Human Rights member Pichamon Yeophantong, iniulat din ng CPA ang operasyon ng Makilala Mining Company, Inc. sa Pasil at Tinglayan, Kalinga, na nagbabanta sa mga pangunahing ilog na mahalaga sa mga Katutubong magsasaka at pamayanan.


Sa gitna ng pandarambong sa mga lupang ninuno, patuloy ang paglabag sa karapatang pantao, kabilang ang red-tagging, pagtatalaga bilang terorista, at pagdukot sa mga Katutubo at aktibista mula sa Kordilyera.

Arbitraryong itinalaga ng Anti-Terrorism Council ang mga lider ng CPA na sila Windel Bolinget, Sarah Abellon-Alikes, Jennifer Awingan-Taggaoa, at Stephen Tauli bilang mga terorista. Ang walang batayang pagtatalaga na ito ay nagresulta sa pag-freeze ng kanilang mga ari-arian at nagdulot ng mas matinding harassment at banta sa kanila. Ang ganitong mga aksyon ay tahasang paglabag sa kanilang mga karapatang konstitusyonal at isang pagtatangka upang patahimikin ang kanilang adbokasiya para sa karapatan ng mga Katutubo sa sariling pagpapasya at lupaing ninuno.


Dagdag pa rito, ang mga indibidwal na nagsabing sila ay mula sa Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police ay dinukot sina Boktok-Ibaloi-Kankanaey Dexter Capuyan at tagapagtanggol ng mga karapatan ng Katutubo na si Bazoo De Jesus noong Abril 28, 2023 sa Taytay, Rizal. Ang kanilang sapilitang pagkawala ay nagpapakita ng lumalalang pag-atake sa mga lider at aktibistang Katutubo.


Ang pagtutol ng mamamayan sa mga paglabag sa karapatang pantao at mapanirang mga proyekto sa komunidad ng mga Katutubo ay patuloy na sinasagupa ng panunupil, ngunit nananatiling matatag at patuloy na isinusulong ng mga Katutubo mula sa Kordilyera ang kanilang mga karapatan sa lupang ninuno at sariling pagpapasya.

Muling pinagtitibay ng Panaghiusa Philippine Network to Uphold Indigenous Peoples’ Rights ang pangako nito sa pagpanawagan para sa pagtigil ng kriminalisasyon at mga paglabag sa karapatang pantao laban sa mga Katutubo, gayundin sa pandarambong sa mga lupang ninuno. Nanawagan kami sa gobyerno na igalang ang mga karapatan ng mga Katutubo, itigil ang mapanirang mga proyekto sa kanilang komunidad, at wakasan ang red-tagging, pagtatalaga bilang terorista, at iba pang paglabag sa karapatang pantao.


Habang ginugunita natin ang pamana ni Macli-ing Dulag at ng lahat ng martir at bayani ng Kordilyera, atin pang palakasin ang tinig ng mga Katutubo, ipanawagan ang pananagutan sa mga paglabag sa karapatang pantao sa kanilang komunidad, patatagin ang pagkakaisa, at ipagpatuloy ang pakikibaka para sa katarungan at dignidad. #



Sanggunian:


Rikki Mae Gono  

National Coordinator

Panaghiusa Philippine Network to Uphold Indigenous Peoples’ Rights


Comments


© 2022 by Panaghiusa Philippine Network. Website designed by Dania G. Reyes.

bottom of page