Saksi ang kahabaan ng EDSA sa tagumpay ng milyon-milyong taumbayan na i-suka ang 21 na taong pasistang diktadura ni Marcos Sr.
Ang desperadong hangaring gawing "Special (Non-Working) Holiday ang September 12, 2022 sa lugar ng Ilocos Norte ay kalapastangan sa mga biktima ng Rehimeng Marcos Sr. na hindi pa rin nabibigyan ng hustisya hanggang ngayon.
Kahit na ano pang panukala at proyekto ang kasangkapanin ni Marcos Jr. at mga alipores nito upang burahin sa ala-ala ng mamamayang Pilipino ang maduming imahe ng kanyang pamilya, hindi makalilimot ang kasaysayan sa hinagpis ng sambayanan.
Ang buwan ng Setyembre ay para sa pag-ala-ala sa mga biktimang pinatay ng Rehimeng Marcos Sr.
Comments